Genesis 49:13-18
13
Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat: At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
14
Si Issachar ay isang malakas na asno, Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan:
15
At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti, At ng lupang kaayaaya; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan, At naging aliping mangaatag.
16
Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan, Gaya ng isa sa angkan ni Israel.
17
Si Dan ay magiging ahas sa daan, At ulupong sa landas, Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo, Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon.
18
Aking hinintay ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
Settings