Genesis 1:1-5
1
¶ Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3
At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4
At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5
At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
Settings