Ang Mangangaral 1:1
Ipinapakita ang talata 1 kasama ang nakapaligid na konteksto.
1
¶ Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem.
2
Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan.
3
Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?
4
Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.
Settings