Skip to content

Mga Awit 150

Kung Saan at Bakit Dapat Purihin ang Diyos 1–2

1
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.

Mga Instrumento at Bawat Hininga sa Pagpupuri 3–6

3
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4
Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.
5
Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6
Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.

Teksto ng Bibliya: Ang Dating Biblia (1905) · Pampublikong domain