Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Anointing of the Holy Spirit

7 talata · 8 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

  2. At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:

  3. At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.

  4. Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:

  5. Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.

  6. Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.

  7. At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.