Laadan
Kilala rin bilang: Libni, Jahath
Mga talatang bumabanggit kay Laadan
Ang mga anak ni Gerson; si Libni at si Shimi, ayon sa kanikanilang angkan.
At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si Libni at si Simei.
At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.
Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;
Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.
Sa mga Gersonita: si Ladan, at si Simi.
Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.
Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.
Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si Jehieli.