Joel
Kilala rin bilang: Vashni
Mga talatang bumabanggit kay Joel
Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa Beer-seba.
At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias.
At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;
Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias;