Skip to content
Lucas 24:26

Lucas 24:26

Ipinapakita ang talata 26 kasama ang nakapaligid na konteksto.
23
At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay.
24
At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.
25
At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!
26
Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?
27
At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
28
At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.
29
At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.
Settings

Reading style

Typeface

Font size 19px

Reading width 90 chars

Options